by Romeo P. Peña, Ph.D. | 10 April 2022
Kahit walang tungkol sa niyog o kahit tungkol sa agrikultura man lamang sa pangkabuuan ang Philippine Prose and Poetry, ang ipinalaganap na teksbuk sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas hanggang 1964, hindi naman matatawaran ang inilathalang saliksik ni E. Arsenio Manuel noong 1958 tungkol sa mga piraso ng awit ng Tagalog Tayabas na humagip sa ilang detalye hinggil sa niyog. Ipinaliwanag ni Manuel sa kaniyang saliksik na may pamagat na, “Tayabas Tagalog Awit Fragments from Quezon Province” ang matibay niyang natuklasan tungkol sa awit bilang panitikang-bayan.[i] May...